TumbleCatch

Your gateway to endless inspiration

Tula - Blog Posts

2 years ago

[amerikanong ‘bayani’]

Amerikanong bayani, Tayo’y binitag sa huli. Hindi dahas ang ginamit, Kundi pagsakop sa isip.

Baya’y naghangad ng kasarinlan, Mula sa mapang-abusong mga dayuhan, Kastila’y labis tayong pinahirapan, Kaya’t anong galak nang bayani’y nasilayan.

Sa umpisa’y ‘di sila tanggap. Mahal na bayan, anong ilap. Palibhasa’y dayuha’y mula ring kanluran, ‘Di mapagkakatiwalaan, natutuhan ng bayan.

Mapagbalat-kayong Amerikano, Nagbihis anghel sa gitna ng delubyo. Binigay, edukasyong mithi ng Pilipino, Sinabing sila’y kaibigan, kaagapay sa gusto.

Nagpadala ng daan-daang guro, Pati mga militar ay nagturo. Ingles pinakalat sa’ting edukasyon, At ang malay nati’y mistulang nilason.

Nilason ng makakanluraning pagtingin,  Sa pagpapakilala nila ng American dream. Binihag ang kamalayan natin, At Ingles ang pinakamalaking salarin.

Sariling wika’y inalipusta, Kaalama’y tinuro sa kanilang wika. Pagtuturo nila’y may bahid ng lisya, Naging matagumpay, pagmamanipula.

Pagpilit sa kanilang wika’y instrumental, Sa paglaganap ng utak kolonyal, Naging mas mabisa kaysa digmaang pisikal, At hanggang ngayon, baya’y sakal-sakal.

Tanikalang kanilang handog,  Tinanggap natin at kusang sinuot,  ‘Di nakapagtatakang hanggang ngayo’y Bihag tayo, pag-unlad naging limitado.

Oo, edukasyo’y binigay, Ngunit kapalit  ay mamamayang nakaw ang malay,  Na kritikal na pag-iisip ay sablay, Palibhasa’y depektibo edukasyong sa pag-unlad sana’y saklay.

May iilang nakita kanilang tunay na pakay, Pagsulat ang ginamit nilang tulay, Sila ma’y nagtagumpay na mapatalsik ang kaaway, Ligaw na damong ipinunla, sa baya’y pilay.


Tags
3 years ago

[tangis]

Nag-uumapaw na galit, Poot at pasakit Ang tangan niya sa akin, Tipong 'di na kayang tiisin.

Unti-unting nilalamon, Binabalot aking puso, Sa pagdaan ng mga taon, Ititira na lang ng apo'y usok.

Tila may pumipiga sa'king puso, Pumipilipit sa aking tiyan, Pumapatay sa aking isipan, At pumaparalisa sa buong katawan.

Hindi makagalaw mula sa kinatatayuan, Nananatili sa oras nung ika'y nagkulang, Nung kami'y napabayaan, Napilitang mag-isang lumaban.

Kaya't paano? Paano ako magpapatawad! Nasira na aking kabaitan, Sa dalas mong humingi ng kapatawaran!

Kailan ka magbabago? Kailan mong tutuparin ang mga ipinangako? Kapag patay na ako? Kapag wala nang pag-asa ang tayo?

Paulit-ulit kung subukin ang pasensya, Noo'y pinili kong magpakumbaba, Ako'y mas bata, Ngunit bakit ikaw ang nagwawala, nawawala?

Tumatangging makinig, Tinatakpan aming mga bibig, Pinapatay ang mga himig Ng lahat ng aming pagtangis!


Tags
3 years ago

[kilabot]

Palaging binabalot ng pangamba Aking buong pagkatao. Sadyang 'di lang kinikilala, Baka mabasag ang buong mundo.

Alam ko sa loob-loob ko, Bagaman tago at protektado, Taas ang pader at nakakuwadro, 'Di pwedeng ganito hanggang dulo.

Ngunit anong magagawa? Hindi pa ako handa. Walang lakas humarap Sa kung anong hindi tiyak.

May hinihintay ako. Simbolo ng paglusob. Kailan darating ito? Iyon ang 'di ko sigurado.


Tags
7 years ago
Tula Museum. Know Your History. #history #island #travel #paradise #vacation #tula #amazing #knowledge

Tula museum. Know your history. #history #island #travel #paradise #vacation #tula #amazing #knowledge #keycaribe (bij Westpunt, Curaçao)


Tags
5 years ago
TULA

TULA

A quick drawing from a scene in the fan fiction I’m working on. I wonder what’s happening for her to be making such a mean face???

Tula and this piece of art are mine. Please do not repost.


Tags
Loading...
End of content
No more pages to load
Explore Tumblr Blog
Search Through Tumblr Tags